Sisimulan na ng CTN sa pagpasok ng 2013 ang kanilang local remake ng Pangako Sa'Yo, na maituturing na pinakamatagumpay na canned Filipino TV series na naibenta at naipalabas sa iba't ibang bansa, at patuloy naman ang paghahanap ng Cambodian production group para sa mga gaganap sa papel nina Angelo at Yna. Muli na namang nakagawa ng kasaysayan ang ABS-CBN sa pamamagitan ng International Distribution Division nito, sa naisarang kontrata sa CTN dahil ang naturang serye ang pinakaunang drama format na ilo-localize sa ibang bansa.
Mahigit 30,000 oras na sa halos 50 teritoryo worldwide ang naibenta na ng International Distribution Division. Ang mga canned program ng Dos, o mga seryeng ipinapalabas at isinalin sa lokal na lengguwahe ng isang bansa, ay namayagpag na at patuloy pang namamayagpag sa mga lugar sa Asya, Europa, at Africa.
Ang Lobo na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual ay pinakabagong dagdag din sa listahan ng mga titulong tinatangkilik ng mga banyagang manonood dahil malapit na itong mapanood sa Thailand bilang pinakaunang Filipino series na ipalalabas sa Thai television. - Continue reading
0 comments:
Post a Comment