Photo: Angeline Quinto and Mom

Best Blogger Tips

Natagpuan na ni Ultimate Star Power Grand Winner Angeline Quinto ang tunay na ina na si Rosemarie Mabao.

Naging emosyonal ang pagkikita ng dalawa.

Sinabi ni Kate Valenzuela, handler ng singer na may isang fan galing ibang bansa na nais magpakuha ng larawan.

"Pagdating ko po do'n may dalawang babae po; 'yung isa medyo may edad na, tapos 'yung isa medyo bata pa," kwento ni Angeline.

Ang tanging alam lamang ni Angeline Quinto ang pangalan ng ina nito na Rosemarie Mabao na may palayaw na "Susan."

"So kinabahan po ako, 'di ko naman po alam na 'yung nasa harap ko eh siya na. Nung nakita ko po siya, umiyak siya bigla. Tinabihan ko po siya, tapos wala na po kasi akong nasabing kahit ano, basta niyakap ko siya at iyak po siya nang iyak," pagdetalye pa ni Angeline. 

Lubos ang ligaya ng singer sa nangyaring reunion nilang mag-ina.

Bagama't inaalala nito ang magiging reaksyon ng kinalakhang ina nitong si "Mama Bob" tungkol sa kaniyang tunay na ina, titiyakin umano nitong araw-araw na hindi niya ito iiwan.

Nang tanungin tungkol sa posibleng pagtatagpo rin ng kanyang ama sa natagpuang ina, positibo ang naging tugon ng dalaga.

"Gusto ko lang maayos ko lahat; na magkita sila, na makita nila ang anak nila na malaki na, dalaga na. Marami talaga akong plano pero sabi ko nga sa sarili ko ayoko namang madaliin. Nakilala ko na ang Nanay Susan ko at ine-enjoy ko ang oras na magkasama kami."

Sisikapin umano ni Angelina na patayuan ng bahay ang kanyang tunay na ina. Report from Push.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes